Grabe kelangang lumaklak na ako ng mga caffeinated products just for me to stay awake sa aking pagbabagong buhay (ehem… I mean sa aking pag-aaral). Garlfield ata ako sa past life ko e!…ampf… so iyon nga kailangan kong makakuha ng at least 80% na rating from our validation exam to be taken on November 23 for me to meet the required passing grade that was set by this review center. Hay naku! I badly need a miracle. 200 points lang ang exam na’to. Pero sa tingin ko mas madaling bumagsak pag mas konti ang items compared sa tumataginting na 500 items na binigay nila noon sa amin!
Heto pa dagdag pasakit para sa akin tong terminal competenncy exam that will be given weekly. Kung kasing talino lang sana ako ni pareng Einstein e di manok na manok na lang sana tong mga ganitong exams dava?? Pero hindi e.. ako ay isang hamak na estudyanteng di napagkalooban ng ismarte at intelehenteng pag-iisip.. tapos sumunod pa sa yapak ni Juan Tamad, Ay sus marya ewan ko na lang kung saan ako pupulutin.
Sana kung puro korean entertainment lang ang mga exam e di ang saya saya ko na sana. Mas gaganahan pa siguro akong mag-aral kung ganyan din lang at mas makakakuha pa siguro ako ng grade na maipagmamalaki ko. HAHAHAHAHAH how I wish meron exam na ibibigay sa mga istudent nars. Pero sa tingin ko e mas imposible pa sa imposibleng mangyari to! XD
** SO hayun nga sumaglit lang ako dito para sabihin yang mga bagay-bagay na yan na naisip ko lang nitong nakaraang linggo. Adios at ako’y gagawa na naman ng Clinical Teaching plan** Siyete dinudugo na ang utak ko dito!











